Friday, August 8, 2014



Likas Yaman, Yamang Lupa


     Isa sa pinakamahalagang mga likas na yaman ng bansa ang malawak na lupa. Batayan ito na kaulanarang pambansa. Dito nakasalalay ang buhay ng tao, mga halaman at hayop. Sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas na tinatayang umaabot sa 300,000 kilometro kwadrado, 28.3 bahagdan nito ang binubuo ng mga sakahan.Bukod sa mga lupang pansakahan ng bansa, may mga lupa ring pangkomersiyo, pantirahan, pampalaruan at panlibangan.Maraming uri ng pananim ang pinatutubo rito na kadalasay nagbibigay ng masaganang ani dahil sa matabang lupa at magandang klima. Hindi lamang ang kapatagan ang ginagamit na taniman ng mga magsasaka. Ang mga gilid ng bundok ay tinataniman din tulad ng Hagdan-hagdang palayan ng Ifugao, mga Talampas ng Bukidnon at Batangas. May pakinabang din tayo sa mga lupang malapit sa ilog na may matabang lupa at mga lambak tulad ng Lambak Trinidad sa Benguet.
Ang Yamang Lupa ay ang mahahalagang tanawin sa ating bansa na dapat inalagaan dahil dito nakikilala ang ating bansa sa mga likas na yaman na mayroon tayo. Bawat bansa ay mayroong mahahalagang tanawin. Ang mga halimbawa ng ating mga yaman lupa ay burol, bundok, talampas, baybayin, lambak at kapatagan. Sa panahon ngayon madami na ang mga nasisirang mga magagandang tanawin ng ating bansa dahil sa mga sakuna. Dapat sumali tayo sa organisasyon na tumutulong sa kalikasan para mabalik ito o kaya magkawang-gawa na lang tayo. Dapat mapreserba natin ito dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa buhay. Dapat gumagawa tayo ng mga magagandang gawain na hindi nakakasira sa kalikasan. 

Sa ating panahon ngayon, bihira lamang ang nakakaisip ng mga resulta ng mga ginagawa natin sa kalikasan. Matagal na panahon na rin ang nakalipas kung kailan nakakita tayo ng isang lawa na kasing linaw ng tubig inumin. Mga bundok na punong-puno ng mga puno; kay lamig ng ihip ng hangin at tahimik. Mga tanawin na nakakaagaw-hininga tulad ng mga matataas na bundok, terraces, bulubundukin, at iba pa. Ano na pa kaya ang mangyayari sa mga ito kung patuloy pa rin ang ating irresponsibilidad sa pagtapon ng ating mga basura at paglaganap ng polusyon? Itong mga bagay na ito na hindi na naipamahagi sa atin ng dating henerasyon ay tinatamasa nating isipin at hanapin. Tunay na kakaiba talaga ang kagandahan ng kalikasan.
            Ang yamang lupa ay konektado rin sa mga iba pang uri ng yaman na meron tayo sa bansa. Tulad ng yamang tubig, ito rin ang nakakaapekto sa malaking porsyento ng Global warming na nagreresulta sa maraming complicado at nakakasira na epekto sa mundo at mga tao nito. Dito nakabatay rin ang malaking porsyento ng ating kabuhayan at pinagkukuhanan ng “raw materials” na ginagamit natin sa industrilisasyon tulad ng mga puno, metal, alahas at iba pa. Ito rin ay nakakatulong sa paglaganap ng ating ekonomiya. Sa yamang lupa rin natin nakukuha ang ating mga pagkain at kailangan sa buhay tulad ng mga palay, prutas, gulay at marami pang iba.

            Maraming naitutulong ang pag-iingat at pag-isip sa ating mga ginagawa. Sa simpleng pag-“segregate” lamang at pagtapon ng ating basura sa naturang tamang lugar ay malaking tulong na upang mapaalagaan natin ang ating kalikasan. Kahit sino man ay makakatulong upang mapangalagaan ang isa sa ating mga yamang kalikasan upang pati ang susunod na henerasayon ay makapagbenepisyo at makakita rin nito.

“Sa kalikasan, ang lahat ng bagay ay magkakaugnay, at pinagbabayaran na natin ngayon ang ating nakaraang mga pagkakamali.”—Magasing African Wildlife. Ang tawag ng ilan ditto ay ecological footprint. Ito ang sukatan ng paggamit ng tao sa mga likas yaman kung ihahambing sa kakayahan ng lupa na mapalitan ang mga ito. Ayon sa World Wildlife Fund, ang pang globong ecological footprint ay hindi balance mula pa noong dekadang 1980. Pero isa lamang itong indikasyon ng matinding pamiminsala sa ating kapaligiran.

Isa pang sukatan ang kalagayan ng mga ekosistema sa lupa. Ang salitang “ekosistema” ay tumutukoy sa masalimuot napagtutulungan ng lahat ng organism sa isang likas na kapaligiran, kasali na ang buháy at walang buhay na materya. Ang kabuuan at mahusay na kalagayan ng mga ekosistemang ito—ipinakikita sa maraming gubat, tubig-tabang, at mga uri ng hayop at halaman sa dagat na tinutustusan ng mga ito—ang bumubuo sa tinatawag na Living Planet Index ng World Wildlife Fund. Mula 1970 hanggang 2000, bumulusok ang index na ito nang mga 37 porsiyento.


Hindi magtatagal at ang ating mga likas yaman ay hindi na sapat para sa bilang ng populasyon ng mundo. Nararapat na gamitin ang mga ito sa tama at mapapakinabangan na mga aksyon at pag-eensayo. 
Yamang Lupa


Maraming mga anyo ang yamang lupa.


KAPATAGAN

-          Ang kapatagan ay isang lugar na kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag, at pantay ang lupa rito. Maaari itong taniman ng palay, mais, at gulay na malaki ang halaga sa aspeto ng agrikultura sa isang ekonomiya.
h


BAYBAYIN
-         





Ang baybayin ay bahagi ng lupa na ang lokasyo’y malapit sa tabing-dagat.



BULUBUNDUKIN

-          Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit-dikit at sunud-sunod.




BUROL

-          Higit na mas mababa ito kaysa bundok. Halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at nagiging kulay tsokolate tuwing tag-araw.



LAMBAK

-          Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, palay, at marami pang ibang maaaring itanim dito.



BULKAN

-          Ang bulkan ay isang uri ng bundok na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, ang tahimik at ang aktibo.



PULO
Mga lupaing napalilibutan ng tubig




TALAMPAS

-          patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda rin tamnan dahil mataba ang lupa rito.



TANGWAY
-          Isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig.



YUNGIB

-          Mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao o hayop.



BUNDOK

-          Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at  hamak na mas mataas kaysa burol.





















 Kahalagahan ng Yamang Lupa


Ang yamang lupa ay mga natural resources na galing sa lupa. Kabilang dito ang mga punongkahoy, halaman, mineral, at mahahalagang bato na kadalasang nakukuha sa mga yungib.
Maraming pangangailangan ang mga tao at ang mga ito’y kadalasang nakukuha sa ating yamang lupa. Sa mga halaman o punongkahoy, maaari tayong kumuha ng pagkain o di kaya nama’y kahoy upang gawing kasangkapan sa bahay. Tulad ng uling, nagagamit din ito sa pagluto at ang limestones naman ay ginagamit na sangkap para sa semento.
Nararapat lamang na pangalagaan natin ang yamang lupa dahil sa huli’y tayo rin ang makikinabang. Mahalaga rin na malaman natin ang mga iba’t ibang uri at anyo ng yamang lupa nang ito’y magamit ng wasto at magkaroon ng magandang resulta. 
Pilipinas kay Ganda!


     Ang Pilipinas ay mayaman pagdating sa kultura, relihiyon at pati na rin sa mga natural resources. Dapat pag ingatan natin ang lahat ng ito, lalo na ang ating kalikasan. Ang ating kapaligiran ay punong puno ng magagandang tanawin, halaman, dagat, at iba pang anyo ng tubig. Dapat lang tong alagaan ng mabuti upang mapanatilihin natin ang kagandahan ng ating bansa at upang maabutan pa ng mga susunod na henerasyon ang tunay na kariktan ng Pilipinas. Panoorin natin ang video na ito upang lalong maliwanagan tungkol sa mga likas na yaman ng Pilipinas.